Hindi sya yung karaniwang Floating market na makikita ninyo sa bangkok na yung mga vendors ay nakasakay sa small bangka with their goods. But still Floating market parin sya kasi nakalutang sya sa Nakhon Chaisi River located at Sam Phran district of Nakhom Pathom.
Fact!
Wear your comfortable clothes, kasi yung pumunta kami sobrang daming tao since holiday sa kanila nun kasi birthday ata ng Hari ng thailand ata nun kaya walang pasok bale LOCALS + TOURIST = wow daming tao!
Naging popular nadin yung Don Wai Market sa widespread ng pagkain na mabibili mo dito, Samo't Saring Pagkain haha!
Fact!
Sa Don Wai Market First Time ko makakita ng free taste ng pagkain on a Public Market! Kahit kumuha ka ng kumuha ok lang basta wag mong ubusin :). Kahit san ka lumingon lahat may free taste.
Fact!
Onetime tumingin lang ako sa store nato then nagulat ako bigla akong sinubuan ng owner ng store nato ng plums or Champoy ata yun haha. Cool experience yun yung way of promoting ng mga produkto nila. For you to find out kung masarap talaga Products nila.
Ready to Eat Fruits!
Fishballs, Squidballs, Crab meat and all kinds of tuhog tuhog meals haha.
Mini version of SUMAN ala thai style.
Fried Tilapia look alike haha, golden brown tsk itsura palang busog kana.
Inihaw na Hito Kahit hindi ako nakain ng hito mukhang masarap din naman sya.
Sa seafoods Area yung pictures nayan.Madaming ring ready to eat dun meals kaya kanin nalang kulang SWAK NA!
Ducks and more ducks around haha.
On the spot na gawaan ng Popsicle sticks pampa chill since mainet sa loob ng market.
Buko icecream/Sherbet sakto lang sa lasa matamis na may unique taste ng thailand version nila ng buko.
Nung una akala ko Tacos to pero para syang dessert na sort of pantanggal umay kasi matamis sya e as in matamis. Yung brown parang apa na matamis yung lasa then yung sahog matamis din parang bukayo namacapuno.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento